..Ang pagwawasto ng kopya at pag-uulo ng balita ay gawain ng isang espesyalistang editor upang lalong mapabuti at mapaganda ang istorya at magiging karapat-dapat na magkaroon ng espasyo sa pahayagan..
Mga Gawain ng Editor sa Pagwawasto ng Kopya
- Tiyaking tumpak ang mga datos sa artikulo.
- Ang akdang ililimbag ay may wastong gramatika at pagbabaybay ng mga salita.
- Magwasto ng kamalian ng mga datos batay sa kahalagahan nito.
- Tinitiyak nito kung mabisa ang pamatnubay na ginagamit sa akda.
- Pumuputol o magkalatas ng di-mahalagang datos.
- Mag-alis ng mga salitang nagsasaad ng opinyon kung ang winawasto ay balita.
- Magpalit ng mga salitang mahirap maunawaan ng karamihang mambabasa.
- Mag-alis ng mga salitang walang kabuluhan tulad ng bangkay na di na humihinga, hawak ng kamay, pasan sa balikat at iba pa.
- Sinusunod nito ang istilo ng pahayagan.
- Tinitiyak nitong malaya sa anumang libelong pamamahayag ang akda.
- Tinitingnan nitong ang akda ay may mabisang istilo at ulo.
- Sumusulat ng uo ngbalita at nagpapasya sa tipograpiya nito.
- Magbigay ng tagubilin sa tagapaglimbag ukol sa laki at tipong gagamitin, kolum at bilang ng ems.